Luzviminda Mission Possible "IKAW AT AKO MISYONERO NI KRISTO"
Nagkaroon ng pag-aaral ang Luzviminda Mission Possible na isa sa ahensya ng AIM Pilipinas na maglunsad ng pagpapalaganap ng salita ng Dios sa mga taga Visayas. Na ito ay dadako sa Tacloban at Tanawan City. Ayon sa pag aaral ay may magtatapos na mga mag aaral mula sa John Wesley Theological Seminary na marunong magsalita ng waray na native tongue sa Visayas., na maaaring ipadala sa Visayas Misyon, Pinagtibay sa pulong na gagawa ng mga stratehiya upang magtagumpay pangarap na mission.
Kaya't magkakaroon ng panawagan sa buong kapatiran sa buong bansa na ito ay ipanalangin, suportahan at tangkilikin ang lahat ng mga gagawing panawagan para sa mabilis na katuparan ng misyon. Tinataya na ito ay makapagtatag sa loob ng Tatlong taon (3) ng tatlong Iglesiya Lokal. Ang Kabisig ay handang magbigay ng suporta sa abot ng makakaya, sa pagpapalaganap, panawagan at maging sa pagbibigay ng mga materyales at pangunguna sa Medical Mission, sa pangunguna ng mga kasapi na mga doctor at mga nurses.
Hinihilingan na bawat miyembro maging misyonero "IKAW AT AKO MISYONERO NI KRISTO" na ito ay gagawing panawagan sa lahat ng kapatiran na sumali sa Visayas Mission.
Narito ang mga kapatid na kasama sa Luzviminda Mission Possible
Chairman - Bro. Doc Boyet Saranilla
Vice - Chairman - DSE Aze Bote
Sec - Pastor Roland
Treasurer - Sis.Jing Lagman
Empowerment - Rev. George Buenaventura
Projects - Rev. Bayani Dela Pena
Materials - JWTS c/o Prof. George
Ang programang ay pasisimulan sa lalong madaling panahon, mula sa panahong ito.
Ipanalanging po nating ito, at suportahan.
Mabuhay ang Luzviminda Possible
Mabuhay ang AIMP
Glory to God !!!
