Mga Tanong at Sagot Tungkol Sa Kabisig
Ano ba ang KABISIG?
Sagot
Ito ay ang pinagsama-samang mga tao na may iisang layunin na magkatulungan sa pang ekonomiyang pangangailangan;
Ito ay ang pinag sama-samang magagandang kaisipan upang makabuo ng matibay na programa ng pagtutulungan at mga panuntunan;
Ito ay ang pinag sama-samang pangtutulungan na maglagak ng puhanan ang bawat kasapi;
Ito ay ang pinag sama-samang pangasiwaan ng lahat ng mga kasapi
Ito ay ang pinag sama-samang tatangkilikan upang kumita ang lahat ng proyekto
Ito ay ang pinag sama-samang paghahatian ang lahat ng mga naging pakinabang.
Sa ganitong paghahati-hati ang lahat ng pakinabang sa lahat ng mga kasapi sa unang limang (5) taon
10 porisyento ay laan para sa edukasyon
7 porsiyento ay laan para sa pagunlad ng lipunan
3 porsiyento ay laan para sa gusali na ipapatayo
15 porsiyento ay laan para sa Dibidendo
15 porsiyento ay laan sa para Balik Tangkilik
50 porsiyento ay laan para sa reserba ng Kabisig
Ano ang layunin ng Kabisig?
Sagot
Ito ay makatulong na maitaas ang antas ng buhay ng isang tao sa kabuuang kalagayan. Bilang pinakamataas na nilalang ng Diyos. Magkaroon ng mataas at pantay na pagkakataon upang mabuhay na ayon sa plano ng Diyos na ganap at masagana.
Magsilbing katuwang sa buhay na malalapitan sa panahon ng pangangailangan, sa pangkabuhayan, pambiglaaan at mga kagipitan na dumarating ng hindi inaasahan sa buhay. Maramdaman ng isang kasapi na may kakampi sya sa lahat ng harapin at mga laban sa buhay sa isang kapatirang pamamaraan. Ang mag ka Kabisig sa lahat ng oras.
Ano ang struktura ng KABISIG ?
Narito ang straktura na ayon sa batas ng CDA R.A. 9520
Ano ang batayan sa Banal na Kasulatan sa mga paninindigan ng Kabisig?
Sagot - Sa Aklat ng mga Gawa 2:42-47
Dito nababatay ang prinsipyo ng Kabisig, ang nabuong pagkakapatiran, pagkakaisa at mag kakabisig na kilos ng mga unang mananampalataya. Nabuo sa kanilang ang malalim na pagtutulungan, ipinag bibili nila ang kanilang mga ari-arian at ibinabahagi sa lahat, o para sa pangangailangan nilang lahat upang mabuhay na masagana.
Ano ang dapat na maging gampanin ng isang kasapi ng Kabisig?
Sagot— Ang isang kasapi ay kasapi na nakikilahok.
Inaasahan sa isang kasapi na palaging nakikilahok sa lahat ng mga programa at mga serbisyo ng Kabisig. Isang katiyakan ng katagumpayan ay kung ang lahat ng mga kasapi ay nauunawaan na siya ang magiging dahilan ng katagumpayan ng Kabisig. Palaging nag daragdag ng kanyang Saping Puhunan, nag iimpok sa Savings Deposit at Time Deposit. Tumatangkilik sa mga programa, tulad ng mga ipinagbibili na mga produkto, serbisyo at iba pa para sa kapakanan ng mga kasapi na makamura at makinabang sa magandang paglilingkod. Dadalo sa GA kung siya ang mapipili na kumatawan sa kaniyang grupo, maglilingkod kung mapiling opisyales at ipagtatanggol at mang aanyaya para sa iba para maging kasapi ng Kabisig.
Nakara rehistro ba ito sa Pamahalaan? Sagot Oo.
Ang Kabisig Coop ay nakarehistro sa Cooperative Development Authority na ito ang ahensya ng pamahalaan na nag bibigay ng kapahintulutan, tumitingin at palaging humihingi ng mga ulat kung ang Kabisig ay tumatakbo at nakatutugon sa ilalim ng R.A. 9520.
Anu-anong mga Programa ng Kabisig na maaari mo ng Tangkilikin?
Sagot - Ito ay sa pamamagitan ng Credit Services
1. Regular Loan— Ito ay pagpapahiram na ibabatay sa iyong Saping Puhunan. Sa simula ay doble ng iyong SP. Sa susunod ay maaaring tumaaas ng X3, X4, X5 o higit na ayon sa iyong pangangailangan at sa pagaaral ng pamunuan ng Kabisig na ito ay makakatulong sa iyo. Na may 18 % lang tubo sa isang taon.
2. Emergency Loan— Ito ay naglalayon na mabigyan ka ng proteksyon ng Kabisig sa iyong mga biglaan pangangailangan. Ito ay ibabatay sa iyong Saping Puhunan. Kalahati ng iyong Saping Puhunan at hindi taas sa Limang (5,000.00) Libong piso at babayaran lamang sa loob ng tatlong buwan na may patubo na Dalawang Porsiyento (2 % ) sa isang buwan.
3. E-Bike or Laptop Loan—Ito ay special na paglilingkod para sa mga Pastor ng AIMP o sa sinuman . Times 7 ng iyong Saping Puhunan. Babayaran sa loob ng Dalawang Taon may patubo na (24% sa isang Taon at 6 & Saving deposit, kasama na ang filling Fees, Service Fees at MRI Insurance).
4. Barong and Pants / Clergy Stole at Workers’ Accessories—Layunin nito na mabigyan ng tulong ang mga manggagawa na makabili ng mga magagandang damit na kailangan nila sa paglilingkod. Ito ay walang tubo ang Kabisig mag kakaroon lang ng Mark-up at babayaran sa loob ng tatlong buwan. Ang bayad sa padala sa Xend ay sasagutin ng kasapi na humiling ng paglilingkod.
5. Micro Finance Loan—Ito ay para sa mga kasapi na may pang-araw araw na kita, katulad ng tindahan, gawaan ng basahan, tahian, nagtitinda sa palengke, naglalako ng mga paninda o serbisyo tulad ng manicurista, SPA at iba pa na katulad nito.
Ang isang kasapi ay makakahiram ng Tatlong (P3,000) Libong piso hanggang sa Limang (P5,000) Libong Piso. Na kailangan lamang bayaran sa loob ng Tatlong buwan sa paraang Linguhang pagbabayad. May patubo na 1.5 % sa isang buwan, at sa panahon ng pagbabayad ay maglalagak siya ng Limam pung (P50) piso bilang saping puhunan, bayad sa tubo at sa damayan.
Hal. 3,000 piso ang nahiram
Lingguhang hulog—319.58 lamang kasama na ang Saping Puhunan, Patubo at Damayan
Sa panahon na magkaroon na siya ng sapat na Saping Puhunan ay lilipat na siya sa Regular Loan na doon ay maaari na siyang makahiram ng mas mala king halaga, para sa kanyang negosyo.
6. Church Loan— May layunin ito na magabayan ang mga nagsisimulang Igle siya ng AIM Pilipinas, sa kanilang mga pangangailangan para sa Misyon. Tu lad ng pampagawa ng gusali, pambili ng lupa, at pag pa aayos nito. Kailangan ay marami na ang kasapi sa Iglesiya na paglilingkuran ng ganitong prog rama. Mayroon lamang Walong porsiyento na patubo at Dalawang porsiyento na Compulsory Savings Deposit.
Mga Planong paglilingkod sa darating na panahon (Ipanalangin natin ito)
Marketting Program
Layunin:
Ayon sa tala ng kita ng ating bansa ay lumalaki na ang GNP pero ito ay hindi parin maramdaman sa mas nakakarami na ating mga mamayan. At dumarami ang mga walang hanapbuhay, kaya kinakailangang iwanan ang pamilya at magkipagsapalaran sa ibang bansa.
Dahil dito ang pamunuan ng Kabisig ay naghahanap ng makakatulong upang marating ang ganitong paglilingkod.
Sa ngayon ay marami ng ang mga malalaking kumpanya ang interesado na maging ka partner ng Kabisig sa paglilingkod. Ang Friendship Kindness and Care or FKC na Distributor ng Food Supplements sa bansa na mula sa USA. Na handang magbigay ng malaking discount sa kanilang produkto upang kumita ang Kabisig at makapagbigay ng hanapbuhay sa ating mga kasapi.
Ang GES na distrubor ng mga bombilya na matipid na iwas pa sa sunog at may mahabang buhay at hindi pa nababasag, ito ay LED Bulb na sa ating panahon ngayon ay ito na ang gagamitin ngayon. Mayroon din sa paglaban sa lamok or repellant at nag aalis ng masamang amoy sa loob ng tahanan. Save U More Drug Store / Marzan Pharma Corporation na ngayon ay ka partner na. Gayon din ang CF Wellness at iba pa.
Ang programang ito ay nakatuon ng pagbibigay ng hanapbuhay sa mga kasapi at tulong sa tanggapan ng AIMP upang tumugon sa Standardization Support sa lahat ng mga manggagawa sa buong Pilipinas.
Barter Program - sa pamamagitan ng internet ay maipagpapalit palit ang mga produkto ng mga kasapi na nasa malalayong lugar. pumunta lamang sa website ng Kabisig. www.kabisigaimp.wix.com/kabisig
Narito pa ang pagiibayuhing mga programa.
1. Gamit sa pag papaaral na may maliit na tubo. (para sa Technical School ay kasama natin ang Knox Technological Institute)
Isang mabisang paraan ang paglaban sa kahirapan ay ang pagkakaroon ng Edukasyon o kasanayan ng mga kasapi ng Kabisig
2. Pondo sa OFW na gagamitin sa pag-alis—Mayroon ng hawak na kontrata
3. Para sa Iglesiya— Pambili ng Lupa , Pampagawa ng Kapilya, Pambili ng gamit iba pa.
4. 30 days loan - Mga kontrata, o may natanggap na order at katulad nito
5. Housing Project—Balakin din na makapagbigay ng mamaba at desenteng pabahay, lalo na sa mga mag reretiro na mga manggagawa at mga staff , members ng AIM Pilipinas.
PAANO MAGIGING KASAPI SA KABISIG?
Sagot— Kailangan ay makadalo sa dalawang oras na pag sasanay sa tanggapan na malapit sa inyo. (Membership Orientation ) at naniniwala ka sa paman tayan ng Kooperatiba lalo na, na ito ay nasa pamamahala ng ating Iglesiya. Ang Iglesiya Metodista sa Pilipinas
Matapos kang dumalo at magbabayad ng Dalawang Daang Piso (P200) bilang bayad sa pagsapi. Na dito ay tatanggap ka ng Membership ID, Passbook, Certificate at iba pa.
Pagkaraan ng kulang sa isang buwan ay ipababatid sa iyo kung ikaw ay natanggap o hindi at maaari ka ng maglagak ng iyong Saping Puhunan na pinakamaliit ay Sampung Share Capital o katumbas ng isang libong piso (P1,000)
SINO ANG MAAARING SUMAPI SA KABISIG?
Sagot
Lahat ay maaaring sumapi sa Kabisig, subalit may dalawang uri ng pagiging kasapi. 1. Regular Member—Ang regular member ay yaon lamang kasapi sa AIM Pilipinas 2. Associate Member—Kahit anong sekta ang kanyang kinabibilangan
Ang Regular member ay may karapatang maboto at bumoto na maging opisyales at ang Associate Member ay maaari lamang tumanggap ng mga paglilingkod ng Kabisig, subalit sa loob ng dalawang taon ay kailangan na niyang magpasiya kung nais na niyang maging Regular Member.
KAILAN MAKAPAGLILINGKOD ANG KABISIG SA IYO?
SAGOT
Kung ikaw ay natanggap na ng BOD at may Saping Puhunan, na nakalagak na sa loob ng isang (1) buwan o higit pa, ay maaari ka ng humiling ng mga paglilingkod na ayon sa iyong pangangailangan. At iyon ay batay sa laki ng iyong Saping Puhunan o programa na iyong hihilingin. Ang isang kasapi ay kailangan dumaan sa paggabay ng pamunuan upang matiyak na ang kanyang hihiramin ay makakatulong sa kanya at sa kanyang pamilya.
Anu-ano ang mga benepisyo ng isang kasapi
Sagot—
1. Siya ay tatanggap ng habang buhay na taunang Dibidendo at Balik Tangkilik ayon sa kinita ng Kabisig
2. Siya ay tatanggap ng Damayan Kailangan lamang ay may Saping Puhunan ka na ng Limang Libong Piso at may limang taon na na kasapi ng Kabisig. Kung hindi ka pa aabot sa pamantayan na ito ay mayroon ka ring tatang gapin subalit hindi kasing laki ng naunang nabanggit.
3. Siya ay tatanggap ng mga pag-aaral sa pang kabuhayan, sa pagiging ka may-ari, sa pagiging opisyales ng kabisig
4. Tatanggap ng mga regalo sa panahon ng Pangkalahatang Pagpupulong
Ano ang Kalagayan ng isang Kasapi ?
Sagot:
Ang kasapi ay isa sa Kamay ari ng Kabisig, isa sya sa mag mamay ari nito, lahat ng karapatan bilang may ari ay nasasa kanya. Lalo na kung paano ito mag tatagal at magtatagumpay sa paglilingkod. Hindi lamang dapat na isipin nya na siya ay mapaglingkuran, kundi sya ay makapaglingkod din sa maraming kaparaanan. Tulad ng boluntaryo na tatangkilik sa lahat ng programa, magbabalita sa mga programa, manghihimok sa mga hindi pa kasapi na maging kasapi na hindi sya ang nagiging dahilan ng pagbagsak nito, kundi maging dahilan para magtagumpay ang Kabisig, at palaging manalangin sa katagumpayan ng Kabisig.
MGA DEPOSITO NA MAAARING TANGGAPIN NG KABISIG
1. Share Capital—ito ay Saping Puhunan na hindi mo madaling kuhanin, maliban lang kung ikaw ay aayaw na sa samahan, Tatanggap ka ng taunang dividendo bawat taon at maaari kang makahiram sa iyong pangangailangan na batay sa iyong Saping Puhunan. (tingnan sa simula ang bahagdan ng paghahati ). At ito ay iyong ilalagak sa unang limang
taon o pangmatagalan na.
Ang Kabisig ay tatakbo tulad ng Bangko na pinahihintulutan ng Cooperative Development Authority (quasai banking)
Ito ay tatanggap din ng mga sumusunod:
1. Saving Deposit—ito ay deposito na maaari mong kuhanin anumang oras na nais mo na may kaukulang kita at walang Tax na ibabawas.
2. Time Deposit / Special Deposit —ito ay may taning na panahon at may mas mataas na kita at walang Tax na ibabawas. Ngayon ay tumatanggap ang Kabisig ng (pitong porsiyento na patubo (7%) at ibibigay ng advance kung ito ay ilalagak mo ng dalawang taon. Ang unang taon ay bigla mo ng matatang gap nag pakinabang. Mayroon kang hahawakan na resibo at Time Deposit Certificate na papanagutan ng pamunuan ng Kabisig.
Mga pinaniniwalaan ng isang Kasapi ng Kabisig
Naniniwala ako na ang AIM Pilipinas ang naging pamamaraan ng Dios upang maitayo ang Kabisig Coop. Na may mataas na layunin na tingnan ng may mataas ang kahulugan ng pagiging isang tao, na nilalang ng Dios na may pinakamataas na kalagayan sa lahat ng kanyang mga nilikha.
Naniniwala ako na dahil sa kanyang mga aral na mula sa banal na kasulatan na kanyang ibinigay na maging gabay sa pagkakaroon ng magandang buhay at buhay na masagana.
Naniniwala ako na sa diwa ng principyo at mga paninindigan ng Kooperatiba na naaayon sa batas R.A. 9520 na ginawa ito upang magkaroon ng pagkakataon ang lahat ng mga tao, na makapantay sa tamang antas na pamumuhay. Na mamuhay ng may mataaas na pagtingin, sa lipunan, sa tahanan at maging sa loob ng sambahan o Iglesiya.
Naniniwala ako na karapatan ng isang kasapi na pag-ibayuhin ang pagsuporta sa Kabisig, makilahok, palaging maglagak ng Saping Puhunan upang patuloy na lumago, mag impok ng Savings Deposit at Time Deposit kung ako ay may kakayahan.
Naniniwala ako na ako ang magiging isang daan upang magtagumpay ang kabisig sa kanyang layunin na maipadama ang pagkalinga sa mga nangangailangan, magbigyan na pagkaunawa sa tunay na kahulugan ng buhay na mula sa Dios.
Naniniwala ako na sa pagtutulungan o kapit bisig ng lahat ng kasapi nito, makagagawa ng higit kaysa sa nag iisa.
Naniniwala ako na dahil ito ay binubuo ng mga taong nasa simbahan at may takot sa Dios, ay maiiwasan ang mga pagtataguan, pagtatakipan, at pag gastos ng walang kabuluhan at pag lulustay ng walang pakundangan.
Tulungan nawa ako ng Dios.
Cooperative Principles
"ART. 4. Cooperative Principles. - Every cooperative shall conduct its affairs in accordance with Filipino culture, good values and experience and the universally accepted principles of cooperation which include, but are not limited to, the following:
"(1) Voluntary and Open Membership - Cooperatives are voluntary organizations, open to all persons able to use their services and willing to accept the responsibilities of membership, without gender, social, racial, cultural, political or religious discrimination.cralaw
"(2) Democrative Member Control - Cooperatives are democratic organizations that are controlled by their members who actively participate in setting their policies and making decisions. Men and women serving as elected representatives, directors or officers are accountable to the membership. In primary cooperatives, members have equal voting rights of one-member, one-vote. Cooperatives at other levels are organized in the same democratic manner.cralaw
"(3) Member Economic Participation - Members contribute equitably to, and democratically control, the capital of their cooperatives. At least part of that capital is the common property of the cooperative. They shall receive limited compensation or limited interest, if any, on capital subscribed and paid as a condition of membership. Members allocate surpluses for any or all of the following purposes: developing the cooperative by setting up reserves, part of which should at least be indivisible; benefitting members in proportion to their partonage of the cooperative's bubsiness; and, supporting other activities approved by the membership.
"(4) Autonomy and Independence - Cooperatives are autonomous, self-help organizations controlled by their members. If they enter into aggreements with other organizations, including government, or raise capital from external sources, they shall do so on terms that ensure democratic control of their members and maintain their cooperative autonomy.
"(5) Education, Training and Information - Cooperatives shall provide education and training for their members, elected and appointed representatives, managers, and employees, so that they can contribute effectively and efficiently to the development of their cooperatives.
"(6) Cooperation Among Cooperatives - Cooperatives serve their members most effectively and strengthen the cooperative movement by working together through local, national, regional and international structures.
(7) Concern for Community - Cooperatives work for the sustainable development of their communities through policies approved by their members.
ANO ANG MGA KATANGIAN NG MGA OPISYALES ?
Sagot
Ang isang opisyales kinakailangan ay maliwanag na nauunawaan nya, na ito ay isang paglilingkod sa Panginoon at sa kanyang Iglesiya sa AIM Pilipinas at sa pagunlad ng pamayanan. May oras na ibibigay lalo na sa panahon ng mga pagpupulong minsan sa isang buwan o sa mga biglaang pagpupulong na pangangailangan. Mangunguna sa paghihimok sa mga kapatiran na sumapi sa KABISIG Handang tumanggap ng sapat na per diem lamang.
MGA PAMUNUAN NA MAGLILINGKOD SA KABISIG
Si Obispo Lito C. Tangonan ang inihalal na Honorary Chairman at Pangulo ng Ethics Committee ay binibigyan ng karapatan na mag ayos ng mga di pagkakaunawaan at igagalang ang kanyang desisyon sa lahat ng mga usapin tungkol sa Kabisig.
Honorary Chairman Rev. Bishop Lito C. Tangonan
BOD Chairman Bro. Arch. G. Rod Lagman
Vice—Chairman Pastor Teodoro D. Saclolo (Ret. Col.)
BOD Members DSE Rev. Joey l. Lapitan
DSE Rev. Eleazer Bote
Rev. Reynaldo Lopez
Ethics Commitee - Obispo Rev. Lito Tangonan , Rev. Daniel Bawan, Rev. Manuel O. Buenaventura
Mediation Commitee - Sis. Chita Millan, Rev. Ador Valencia, Sis. Atty. Anicia Marquez
Audit Committee DSE Bayani Tecson , Rev. Joel Suarez , Deac. Merlyn Sebastian
Election Committee - Bro. Art Millan, Sis. Gina Masiado, Sis. Charito Zuniga
BOD Secretary Bro. Engr. Bayani O. Azcarraga. BOD Recording Sec. Deac. Merlyn C. Sebastian , BOD Treasurer Rev. DSE Conchita Marcelo
Gen. Manager Rev. Roland C. Javier , Bookkeeper Ms. Grace H. Rodas

Double click to download the file
Sagutan ang bahagi na ito upang mabatid namin na kayo ay nag aaral sa ating website.