Pag-aaral ng mga
Opisyales Gaganapin
Isa sa pondasyon ng pagtatagumpay ay pag kakaroon ng
tamang panahon sa pag-aaral. Anumang bagay na hindi
mo pinag aralan ay walang mararating na kinabukasan.
Ito ang mga binanggit ng mga taong mga nagtagumpay
sa kanilang mga adhikain. Kung kaya ang Kabisig ay muling
magkakaroon ng pag aaral ang lahat ng mga opisyales
sa darating Mayo 28-29, 2015 sa Balanga, Bataan sa
Resthouse ni Bro. Rod Lagman.
Magkakaroon ng pag aaral tungkol sa bagong tatahakin ng Kabisig sa pangunguna
ng bagong General Manager na si Rev. Alex Saclayan at ni Rev. Joel Suarez na mga professor sa pamantasan.
Gagawin din ang muling pagtatalaga ng mga sarili ng mga opisyales na ang Kabisig ay isang tamang paglilingkod sa ating Panginoon at sa pamayanan. Pangungunahan ni Pastor Col. Teodoro Saclolo bilang bagong BOD Chairman ang mga pagpupulong para sa pagbabalak sa katagumpayan ng Kabisig sa darating pang mga panahon.
Rev. Alex Saclayan
Bagong Gen. Manager
Pinagtibay sa nakaraang BOD Meeting
ang pagtatalaga kay Rev. Alex Saclayan
bilang papalit na Manager kay
Rev. Roland Javier.
Si Manager Roland ay nagpaalam sa
dahilan na siya ay mag mimisyon sa
bansang Amerika sa kanyang pamilya
at sa mga Filipino sa New York -
New Jersey. Siya ay nakatakdang
umalis sa buwan ng Agosto 2015.
Mga Bagong Programa
Pinag aaralan Na
May mga bagong programa na pinag aaralan ngayon
ang Kabisig, para sa lalong maging makabuluhan ang
paglilingkod nito sa kapatiran at pamayanan.
Sa darating na Marso 1, 2015 ay nakatakdang magbisita ang pamunuan sa Balanga, Bataan upang tingnan ang isang hectaryang na balak taniman ng papaya, na magiging proyekto. Gayon din ang pag aaral sa paglulunsad ng Kabisig - PUP Open University. Na sa bawat Regional Conference ay magkaroon ng Kabisig Open University Center para sa pangangailangan sa edukasyon ng ating mga kabataan.
Na sa dalawang programang ito ay tatanim ito ng malalim sa buhay ng mga kasapi ng Kabisig at sa Misyon ng AIMP
Nagbabalak din na magtayo ng bagong komite na tuwirang magiging instrumento ng AIMP ang Kabisig sa paglawak ng pagpapahayag ng salita ng Panginoon. Ang komite ay tatawagin Church Planting Committee, na bubuin ng mga kapatid na may mabigat na pasanin na makapag palaganap ng pag-ibig ng Diyos sa sanglibutan.
Ang mga balak na ito ay pagtitibayin sa darating General Assembly sa darating na Marso 21, 2015.
Lumahok at makiisa para sa katagumpayan ng makabuluhang buhay. (kabisig)




(click for more info...)